top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Bikoy’ humirit ng libreng abogado | NO WAY — IBP

Madel Moratillo
May 9, 2019
1 min read

TUMANGGI ang In­tegrated Bar of the Philip­pines (IBP) sa hirit na lib­reng legal assistance ng nag­pakilalang alyas Bikoy na si Peter Joemel Advincula.

Ayon kay IBP National President Abdiel Dan Elijah Fajardo, ang kanilang desis­yon ay matapos ang gina­wang ebalwasyon na gi­nawa ng National Center for Legal Aid (NCLA) sa apli­kasyon ni Advincula.

Hindi aniya nakapasa si Advincula sa pamantayan ng NCLA kaya hindi ito bi­bigyan ng IBP ng libreng le­gal assistance. Gayunman, mananatili aniyang confiden­tial ang mga dokumento na isinu­mite ni Advincula.

Sinabi ng opisyal na nais ni Advincula na humingi ng tulong para kasuhan ang ilang indibidwal na dawit sa illegal drug trade kabilang na ang ilang kandidato sa darating na halalan.

Inihayag ng IBP Natio­nal President na bilang pag­tugon sa mandato nito na tulungan ang mga ma­hihirap at marginalized sa pagkamit ng hustisya ay hin­di ito maa­aring makitang pu­mapanig o lumalaban sa si­numang kan­didato o partido-politikal.

Umani ng batikos ang IBP dahil sa umano’y pag­pa­pagamit sa tanggapan nito para sa presscon ni Advin­cula kahit hindi pa nila nasala at nakumpirma ang mga alegasyon nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page