Van sumalpok sa metal barrier | 15 NADALE SA NLEX
- Jeff Tumbado
- May 8, 2019
- 1 min read

ISA ang nasawi habang nasa 14 iba pa ang sugatan sa aksidente sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Lawang Bato Exit, kahapon ng umaga.
Wala pang pagkakakilanlan sa namatay na biktima habang dinala naman sa Valenzuela Medical Center ang mga nasugatan.
Batay sa impormasyon, binangga ng H100 van ang metal barrier sa NLEX dahilan para tumilapon ito at bumaligtad.
Sakay ng nabanggit na sasakyan ang mga biktima.
Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver nang biglang sumabog ang gulong nito sa likurang bahagi.
Patungo ng Pampanga ang van at galing ng Balintawak nang mangyari ang aksidente.





Comments