Tawi-Tawi niyanig ng Magnitude 5.5
V. Reyes
May 8, 2019
1 min read

TUMAMA ang Magnitude 5.5 na lindol sa Tawi-Tawi, kahapon ng hapon.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), namataan ang lindol sa layong 358 kilometers southeast ng South Ubian dakong 3:19 ng hapon.
May lalim ang lindol na 530 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian. Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.





Comments