Target manggulo sa halalan | 7 MILITANTE KULONG
INARESTO ng Indonesian police ang pitong militants na sangkot sa pagpaplano ng terror attacks.
Bukod sa mga naaresto, napatay din ang isa sa mga suspek na may kaugnayan sa halalan noong nakaraang buwan.
Ayon kay National Police Spokesman Dedi Prasetayo, isinagawa ang pag-aresto sa Bekasi malapit sa Jakarta at Bitung sa North Sulawesi Province.
Ang mga naaresto ay pinaniniwalaang miyembro ng Jamaah Ansharut Daulah o JAD, gayundin, target umano ng grupo na manggulo habang isinasagawa ang halalan.





Comments