top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Requirements na kailangan sa PCUP caravan, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2019
  • 2 min read

LIBU-LIBONG kababayan natin ang nabisita at natulungan ng isinasagawang caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at inaasahang madaragdagan pa ito sa mga susunod na buwan dahil tuluy-tuloy ang ating pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Para masulit ang mga serbisyong hatid ng ating programa ay mayroong mga kailangang requirement upang mapadali ang pagproseso ng ating mga dokumento sa mismong araw ng caravan.

Tanong: Magandang araw! Nalaman kong isa ang aming lugar sa mga madaraanan ng PCUP Caravan ngayong Mayo, gusto ko sanang itanong kung mayroon ba kaming kailangang ihandang mga requirement bago ang event? Maraming salamat! — Linda

Sagot

Magandang araw, Linda! Ang PCUP Caravan ay magdadala ng pinagsama-samang serbisyo ng gobyerno direkta sa mga tao. Kabilang sa mga serbisyong ito ay ang job fair mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO), enrollment sa vocational courses mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at pagpaparehistro ng sasakyan mula sa Land Transportation Office (LTO).

Kaya naman, inaanyayahan natin ang lahat na magdala ng kani-kanilang valid IDs (Postal ID, NBI/Police Clearance, UMID, Passport, Driver’s License at iba pa) para sa pagproseso ng mga dokumento tulad ng pagkuha ng birth certificate. Magdala rin ng ilang kopya ng resume o curriculum vitae (CV) para sa gaganaping job fair.

Maliban sa mga nabanggit na serbisyo, mayroon ding libreng medikal at dental check-ups, libreng tuli para sa mga bata, wellness services, skills training and livelihood orientation at libreng legal assistance.

Ang susunod na PCUP Caravan ay darating sa Barangay Padre Inocentes Gracia, Naval, Biliran ngayong Mayo 21; Ibalong Centrum Recreation Center, Legazpi City ngayong Mayo 24; Barangay 184, Pasay City ngayong Mayo 29 at sa Barangay Poblacion Monkayo, Compostela Valley ngayong Mayo 31. Maliban dito, inaasahan din na may apat na gaganaping caravan ngayong Hunyo. Abangan ninyo ang mga announcement sa ating Facebook Page at sa susunod na mga isyu ng ating kolum.

Kung kayo ay mayroong katanungan o suhestiyon, maaari kayong mag-email o sumulat sapcup.media2019­@gmail.com, sa Official Face­book Page na www.­facebook.com/pcupPH at gamitin ang hashtag na #PCUPatyourService. Maaari rin kayong bumisita sa ating tanggapan sa PCUP Office, 4th floor DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page