Papua New Guinea, niyanig ng magnitude 7.2
Jersey Sanchez
May 8, 2019
1 min read
NIYANIG ng Magnitude 7.2 na lindol ang Papua New Guinea.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang pagyanig sa 34 kilometers ng Bulolo at may lalim na 127 kilometro, alas-5:19 ng umaga (Philippine time).
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Indonesia habang wala namang naiulat na pinsala.
Samantala, agad nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng tsunami sa mga baybayin ng Pilipinas.





Comments