top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG YUMAMAN SA TAONG 2024

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Nakatapos ako ng Education, pero hindi pa ako nakapapasa sa Board kahit na nakaka-take two na ako.

Balak kong mag-take ulit kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo.

Anong taon kaya ma­gandang kumuha para makapasa at kailan kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho?

Sa ikatlong pagkuha ko kaya ng Board ay pa­pasa na ako?

Maaari rin ba akong yumaman at sa paanong paraan tulad ng sabi ninyo na ang mga taong five ay yumayaman? Ja­nuary 14, 1992 ang birth­day ko.

Umaasa,

Carmela ng San Miguel, Baras, Rizal

Dear Carmela,

Ang birth date mong 14 o 5, (ang 14 ay 1+4=5) sa destiny number 8 (1+14 +1991=2006/20+06=26/ 2+6=8) at zodiac sign na Capricorn ang nagsasa­bing, mahihirapan kang makapasa sa Teacher’s Board Exam at hindi sa aspetong pampropesyon ka yayaman kundi sa tat­long bagay. Oo, sa tatlong bagay at ito ay ang mga sumusunod:

Una, mag-apply ka sa abroad dahil ayon sa iyong Travel Calendar ngayong 2019 hanggang 2023, pa­borable sa kapalaran mo ang pangingibang-bansa.

Samantala, ang panga­lawang paraan para yuma­man ka ay ang pag-aasawa sa­pagkat ang mga taong isi­nilang sa mga petsang 5, 14 at 23 ay kadalasang yu­mayaman sa pag-aasawa, halimbawa ng makapag-aasawa ka ng mayaman.

Sinasabi ring sa san­daling nag-asawa ang mga taong may mga birth date na 5, 14 at 23, ru’n sa mga panahong ‘yun, lalo na kung ang mapapangasawa nila ay may mga birth date na 5,14, 23, 8, 17 at 26, du’n sila kusang uunlad hanggang sa tuluyang yu­maman.

Ang ikatlong nagpa­payaman sa mga taong singko tulad mo na may birth date na 5, 14 at 23 ay ang pagnenegosyo na may kaugnayan sa palay, bigas, grocery, tindahan, mga alahas o kalakal na nakukuha sa ilalim ng lupa at iba pang kauri nito.

Ang pagmi-middle­man o distributor at tra­ding ay nagpapayaman din sa kanila.

Sa sandaling nagne­gosyo ka, tiyak ang maga­ganap, sa ganu’ng gawain ka tuluy-tuloy na yayaman sa tulong ng lalaking may birth date na 5, 14, 23, 8, 17 at 26 at ito ang mala­king pagyamang binang­git na sa itaas na inaasa­hang mangyayari sa taong 2024, sa edad mong 50 pa­taas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page