Kelot tinodas ng kapitbahay
TAGAYTAY CITY—Isang lalaki ang napatay nang saksakin ng kanyang kapitbahay, kamakalawa sa Bgy. Sungay West sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Eliseo Besa, samantalang, ang suspek ay si Eddie Morante, kapwa nakatira sa naturang barangay. Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Besa at Morante na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Dinala ng mga saksi si Besa sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kusang sumuko naman sa pulisya ang suspek.





Comments