Holdaper na pusher utas sa pulis

ISA umanong notoryus na holdaper at drug pusher ang nasawi matapos mauwi sa barilan ang ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Sa tinanggap na ulat ni Caloocan Police Chief P/ Col. Restituto Arcangel, ala-1:30 ng madaling- araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra kay alyas Totoy sa Libis St., Manotoc Compd., Bgy. 160.
Gayunman, natunugan ng suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya naglabas ito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba saka tumakbo.
Napilitan namang gumanti ng putok ang humahabol na mga operatiba hanggang sa tamaan sa katawan ang suspek na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Narekober ng mga tauhan ng SOCO sa nasawing suspek ang cal. .38 revolver na kargado ng apat na basyo ng bala at tatlong sachets ng hinihinalang shabu.





Comments