Good news sa mga fresh graduate na aplikante
- BULGAR

- May 8, 2019
- 1 min read

PAGKATAPOS magmartsa, marami na ang sumusubok maghanap ng trabaho.
Pero, paano ang gastos sa mga required na dokumento para sa pag-a-apply?
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong gawing libre para sa mga fresh graduate ang gastusin sa pagkuha ng mga dokumento sa gobyerno.
Ito ang Republic Act 11261 o First Time Job Seekers Assistance Act.
Sa ilalim ng batas, bawal maningil ang mga ahensiya ng gobyerno sa first-time job seekers kung ang dokumentong kinukuha nito ay required sa paghahanap ng trabaho.
Ang benepisyo ay maaari lamang magamit ng isang beses.
Libre nang makukuha ng mga first-time job seeker ang police clearance certificate, National Bureau of Investigation (NBI) clearance, barangay clearance, marriage certificate, medical certificate mula sa public hospital, birth certificate, Transcript of academic records mula sa state colleges at universities, Tax Identification Number (TIN) at Unified Multi-Purpose ID (UMID) card.
Ang bawat dokumento ay nagkakahalagang P100 hanggang P400.
Sa mga mag-a-avail ng benepisyo, kailangan lamang magpakita ng barangay certification na ito ay first-time job seeker.
Masasabing malaking tulong ito para sa mga fresh graduate at siyempre, gayundin, sa kanilang mga magulang.





Comments