Bagets na NPA timbog
Pabs Hernandez III
May 8, 2019
1 min read
NEGROS OCCIDENTAL—Isang binatilyong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Himamaylan City sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad ang nadakip na rebelde ay hindi na ito pinangalanan ng mga awtoridad.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad ang binatilyong rebelde habang naglalakad ito sa nasabing luingsod.
Hindi naman nanlaban ang binatilyong rebelde nang dakpin ito sa naturang lungsod.





Comments