top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bading bago kinatay ng 2 bagets | HULING SELFIE

Maeng Santos
May 8, 2019
1 min read

DEDO ang isang bading matapos pagsasaksakin ng dalawang bisitang bagets sa loob mismo ng kanyang inu­upahang bahay sa Malabon City, kama­kalawa ng hapon.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga sak­sak sa katawan si Christian Pontanes alyas Heart, nasa hustong gulang, make-up artist, ng Bgy. Potrero.

Pinaghahanap ng pu­lisya ang mga suspek na kini­lalang sina Johndel Flo­res, 18, at alyas Renel, 18, kapwa ng Caloocan City.

Ayon kina PCpl. Joenel Claro, PCpl. Michael Oben at Pat. Romaliza Delico, alas-11:46 ng umaga nang du­mating sa bahay ni Pontanes ang mga suspek kung saan hiniram pa ng mga ito ang cellphone ng biktima at nag-picture kasama ang nasawi.

Alas-2:50 ng hapon, sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang inundayan ng saksak ng mga suspek ang biktima bago nagsita­kas.

Nakita umano nina Roan Rosal at Rose Ann Ramos, kapwa kapitbahay ni Pon­tanes ang pagdaan ng mga suspek na papatakas habang mabilis namang dinala ang biktima sa naturang paga­mutan.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang dalawang cellphones at patalim na ginamit ng mga suspek ha­bang inaalam pa ang mo­tibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page