After ng isyu sa residency | CAYETANO, LUSOT SA COMELEC


IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon na nagdidiskuwalipika kay dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa kanyang pagtakbo bilang representative ng 1st District ng Taguig.
Batay sa resolusyon na inilabas ng Comelec 2nd Division, walang pagkakamali si Cayetano sa paghain nito ng kanyang kandidatura.
Dagdag pa ng resolusyon ng ahensiya, walang maling representasyon na inilagay ni Cayetano sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) na nakatira pa rin ito sa 209 Paso St., Bgy. Bagumbayan, Taguig City kahit may bahay na ito sa 353-A Two Serendra, Fort Bonifacio, Taguig.
“His domicile remains to be that in Barangay Bagumbayan, which has been his domicile from 1991 up to the present,” ayon pa sa Comelec.
Una nang sinabi ng poll body na walang legal na balakid sa pagtakbo ni Cayetano maging ang kanyang misis na si Lani na tumatakbong congresswoman sa District 2 ng lungsod. (BRT)





Comments