top of page
Pokwang.jpg

66 pa nadale | BUS VS. VAN, 3 PATAY

Jeff Tumbado
May 8, 2019
1 min read

TATLO ang kumpir­madong nasawi habang 66 ang sugatan matapos mag­salpukan ang tourist bus at van sa Bgy. Sta. Catalina, Atimonan, Quezon.

Pasado alas-6:00 ng gabi, tinatahak ng AMV Travel and Tours na minamaneho ng suspek na si Maximo Leo­riego, 61, may asawa, ng Grace Park Caloocan City, ang naturang highway at pa­tungo sa direksiyon ng Bicol Region.

Pagdating sa diversion road nang mag-overtake at makasalubong nito ang Isu­zu Wing van na dala naman ng nasawing driver na si Benedict Belencio, 29, ng Calabanga, Camarines Sur. Kapwa nila tinumbok ang unahang bahagi ng kani-kanilang sasakyan hanggang sa nagpagewang-gewang ang dalawang sasakyan at mawalan ng kontrol.

Agad namatay sa in­si­dente ang isang hindi pa na­kikilalang pasahero ng bus habang binawian din ng bu­hay ang driver ng van at ang kasamahan nitong si Mark Sy Gerona, na naipit ang ulo at katawan. Dinala na sa paga­mutan ang mga sugatang pasahero at sumuko sa pu­lisya ang driver ng bus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page