top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wanted na holdaper tiklo

Pabs Hernandez III
May 7, 2019
1 min read

ISABELA—Isang wanted na holdaper ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa bayan ng Cabagan sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Mario Guingab, nakatia sa nabanggit na bayan.

Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Guingab sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery.

Hindi naman nanlaban si Guingab nang dakpin siya ng pulisya sa naturang lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page