top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Walang magbabantay, isinama ng nanay | 12-ANYOS NI-RAPE NG KATRABAHO

  • Maeng Santos
  • May 7, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang isang trabahador sa pagawaan ng sardinas matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa Grade 6 pupil na anak ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas City Police Chief Col. Rolando Balasabas ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso na si Alexander Jordan, 49, stay-in cutter sa pagawaan ng sardinas sa Bgy. NBBS Proper.

Sa salaysay sa Women's and Children’s Protection Desk ng Navotas City Police, ng 38-anyos na ina ng biktima na itinago sa pangalang Jenny, 12, isinama niya ang anak sa kanyang trabaho dahil nilalagnat ito at walang magbabantay sa kanilang bahay.

Pinatulog muna ng ina ang kanyang anak sa loob ng barracks ng mga trabahador at sandali niyang iniwan para makapagtrabaho.

Alas-8:00 ng gabi, nagising ang biktima dahil sa naramdaman na pananakit sa maselang parte ng kanyang katawan at nang imulat nito ang mga mata, nakita ng biktima ang suspek na ipinapasok ang daliri nito sa kanyang kaselanan.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang ina kaya agad humingi ng tulong ang mag-ina sa security personnel ng kumpanya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jordan saka ito itinurnover sa pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page