PNP, all systems go na sa halalan 2019

MAHIGPIT nang tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar na isinailalim sa election hotspots.
Ayon kay Police Col. Bernard Banac, partikular nilang binabantayan ang buong Mindanao na nasa ilalim ng Red Category.
Nakabantay din ang PNP sa Abra, Jones sa Isabela, Lope de Vega sa Northern Samar, Daraga sa Albay at Cotabato City.
Sinabi ni Banac na mahalagang mapuwestuhan ng sapat na puwersa ang mga lugar na inaasahang magiging mainit ang eleksiyon upang maiwasan ang matinding karahasan.
Samantala, isinailalim na sa kontrol ng PNP at Commission on Elections (Comelec) ang bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental.
Kinumpirma ito ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon.
Isinailalim na sa kontrol ang naturang bayan makaraang mapatay ang konsehal at tiyuhin nito matapos ang kanilang pangangampanya noong Abril 25.





Comments