top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para maiwasan ang dayaan | Mga balota para sa nalalapit na halalan, ingatan!

  • Ryan B. Sison
  • May 7, 2019
  • 1 min read

DUMATING noong Linggo sa Manila City Hall ang mga opisyal na balota para sa May 13 Midterm Elections.

‘Yun nga lang, may ilang balota ang naki­tang sira ang selyo na napuna ng mga poll watchdog.

Gayunman, sinabi ng cargo delivery re­presentative, nasira lamang ito dahil umano sa paggalaw ng sasakyan, kung ga­nu’n dapat lang na ipagbigay-alam kaagad ito sa Commission on Elections (Comelec) nang sa gayun ay masolusyu­nan agad.

Pero, ‘ika nga, para makaiwas sa da­yaan, dobleng-pag-iingat ang kailangan dahil ma­hirap na kung sakaling sa bawat aberya, eh, palagi na lang may dahilan na lumulusot sa kinauukulan na nagi­ging re­sulta kung bakit nagkakaroon ng dayaan.

Samantala, para sa kaalaman ng la­hat, ang mga watchdog ng mga kandidato ay maaaring magsumbong sa Comelec kung sakaling ma­kakakita sila ng mga sirang selyo.

Gayundin, may mga pulis na magba­bantay sa lugar upang tiyakin ang segu­ridad ng offi­cial ballots.

Samantala, ayon sa mga kinauuku­lan, na­ging ganito rin ang sitwasyon ng mga balota na inihatid sa Pasig City noong Biyernes, kaya hindi natin masisisi ang ilan na mabahala.

Pero, iginiit ni Comelec Spokesperson James Jimenez na posibleng nasira ang stic­kers dahil sa paggalaw ng truck ngu­nit, para mawala ang pangamba ng naka­rarami, maa­ari silang magsagawa ng beripikasyon sa laman ng mga shipment.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page