Pagudpud niyanig ng Magnitude 5.4

NIYANIG ng Magnitude 5.4 na lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte, Lunes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang lindol alas-10:48 ng umaga sa layong 15 kilometro sa bayan ng Pagudpud at may lalim na walong kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Pagudpud, Pasuquin, Bacarra at Laoag City; Claveria at Tuguegarao City, Cagayan.
Naitala naman ang Intensity IV sa Paoay, Ilocos Norte; Aparri, Ballesteros, Gonzaga at Allacapan, Cagayan, gayundin ang Intensity III sa Sinait, Santa, San Vicente, Cabugao, San Juan, Magsingal, Sto. Domingo, Bantay at Vigan City, Ilocos Sur; Lasam, Piat at Peñablanca, Cagayan; Flora at Luna, Apayao at Sudipen, La Union.
Nasa Intensity II naman naramdaman sa Baguio City.
Kung pagbabatayan ang na-monitor ng instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity V sa Claveria, Cagayan; Intensity IV sa Pasuquin at Laoag City, Ilocos Norte at Intensity III sa Sinait at Vigan City, Ilocos Sur.
Sinundan pa ng mga aftershock ang nasabing lindol kung saan isa sa mga naitala na may instrumental Intensity 1 ay natunton sa Laoag City at Claveria, Cagayan alas-11:05 ng umaga at may Magnitude 3.5.





Comments