top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Oo, mali 'yun, kaya work-work na lang sila… YOUNG ACTOR, NABUKING NA SABAY SILA NG KAPWA AKTOR S

Erlinda Rapadas T.
May 7, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

PAREHONG consistent sa kanilang press release ang dalawang young stars na hindi sila naging BF-GF sa panahon na sila ay magka-love team. Pareho nilang pinanindigan na wala silang naging relasyon off-cam.

Pang-love team lang daw ang nakikitang sweetness nila noon sa isa’t isa. Para lang daw sa kanilang career kaya super close sila at laging magkasama.

Pero, sumusumpa ang mga taong nasa paligid ng magka-love team na naging magsyota ang dalawa. Nag-break lang sila dahil sobrang selosa at possessive ang young female star.

Pero, hindi na-take ng young male star nang mabuking niyang hindi lang pala siya ang karelasyon ng GF at ka-love team. May secret romance rin siya sa isang guwapong young actor na kasama nila sa network.

Ganunpaman, dahil may mga projects pa silang dapat pagtambalan, hindi binuwag ang kanilang love team. Tuloy pa rin silang magkatrabaho ng ex-GF niya.

Civil na lang sila sa isa’t isa at wala nang pakilig sa mga fans. Nahahalata sa kani­lang mga kilos na hindi na nila love ang isa’t isa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page