MRT nagkaaberya, 300 pasahero apektado

NAPILITANG bumaba ang nasa 300 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos magkaaberya ang sinasakyan nilang tren.
Batay sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, alas-12:20 ng tanghali nang dumanas ng problemang teknikal ang isa nilang tren sa interstation ng Taft Avenue at Magallanes northbound.
Agad naman itong ipinabatid sa mga personnel ng Magallanes Station para sa pagbibigay ng assistance sa pagpapababa sa mga naapektuhang pasahero.
Wala naman umanong pasaherong nasaktan o nasugatan dahil sa naturang insidente.
Ayon sa DOTr-MRT-3, ala-1:01 ng hapon nang mapilitan silang magpatupad ng limitadong biyahe mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station dahil hindi agad naialis sa riles ang nagkaaberyang tren.
Inabot pa ng ala-1:25 ng hapon bago tuluyang naialis sa riles ang nasirang tren mula Magallanes patungong Taft Pocket track kung saan ito kukumpunihin.
Ala-1:39 naman ng hapon nang maibalik sa normal ang operasyon ng naturang tren.





Comments