Kontra daya | KABATAANG MARUNONG SA IT, TUMULONG SA COMELEC

NANAWAGAN sa lahat ng kabataang marunong sa Information Technology (IT) na mag-volunteer upang tumulong sa Commission on Elections (Comelec) ngayong halalan.
Ayon kay Ilocos Gov. Imee Marcos, ito ay para hindi na maulit ang mga pandaraya.
Kasabay nito, isa si Marcos sa 14 na kumakandidatong senador na inendorso ng El Shaddai sa pagtitipon nila noong Sabado ng gabi sa Parañaque City.
Samantala, sa huling linggo bago ang halalan, pinayuhan din ang publiko na isantabi muna ang pag-aalitan, pambabatikos, fake news at lahat ng tsismis.
Mag-focus muna umano sa mga kandidato kung sino ang may magandang track records para sa pagbabago ng lipunan.





Comments