Kelot tinodas sa bar
Levi Gonzales
May 7, 2019
1 min read

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng bar sa Bgy. San Antonio, Los Baños, Laguna.
Pasado alas-10:00 ng gabi, umiinom sa Raymart Resto Bar ang biktimang si Rowel Donato nang maganap ang pamamaril.
Pumasok sa nasabing bar ang suspek saka pinagbabaril ang biktima bago tumakas.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng insidente.





Comments