HOROSCOPE | Mayo 7, 2019 (Martes)
- BULGAR

- May 7, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAY 7, 2019 (Martes): Mahigpit mong kalaban ang pag-aalinlangan, kaya hindi ka dapat masingitan kahit kailan.Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malalaking kita ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran, kaya huwag kang liliko sa kanan, kaliwa o sa iyong likuran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-14-21-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Idilat mo ang iyong mga mata sa makabagong mundo. Higit kailanman, ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para sa iyo na makatakas sa pagiging alipin ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-29-36-44-46.
GEMINI (May 21- June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga kamay mo ay makikitang nag-uumapaw sa mga biyayang kaloob sa iyo ng langit. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang sa mga ito nang sa gayun ay makapagbigay ka ng saya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-20-24-25-33.
CANCER (June 21- July 22) - Pahalagahan mo ang iyong sarili. Sobrang mali kapag ang higit mong pinahalagahan ay ang iba dahil bago mahalin ang kapwa, ang unang utos ay mahalin mo muna ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-18-21-27-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dahan-dahan lang, mas maganda ang mabagal kaysa sa mabilis dahil mas nakikita rito ang mga masamang bagay na puwedeng mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-18-21-28-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtataka ka sa iyong sarili ngayon dahil ang mga hindi mo nagawa sa nagdaan ay magagawa mo na at aani ka ng maraming paghanga. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-22-25-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis mong masasabi ang oo, kahit hindi ka sigurado kung payag ka o hindi. Madalas kang ganito, kaya lang ang isa pang madalas ay sumasaya ka sa mabilis mong pagpapasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-19-21-24-28.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang manatili sa kalungkutan. Huwag mo ring dayain ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-15-26-30-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang wala sa iyo. Huwag kang tumulad sa marami na ang gusto ay ‘yung taglay ang kanilang katangian. Dapat ang wala sa iyo ang mismong kailangan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-13-24-28-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatatagin pa ng langit ang iyong kabuhayan, pero ito ay mangyayari kapag pinahalagahan mo ang iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-21-27-31-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakasasawa ang masarap na buhay na iyong tinatamasa. Huwag kang magugulat kapag ang napili mo ay kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-15-16-20-23.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nilalagyan ang walang laman, tulad mo ngayon, parang walang laman ang iyong imbakan ng mga pangarap. Ang payo sa iyo ay muli kang mangarap. Sa pangangarap, ang tao ay sumasaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-7-11-15-25-33.




Comments