GF, mahal na mahal daw... DANIEL, BIYENAN NA ANG TAWAG SA INA NI KATHRYN
- BULGAR

- May 7, 2019
- 1 min read

NAKAKAPAGTAKA nga naman, kasi dati, hindi mahilig mag-post si Daniel Padilla ng mensahe sa social media tungkol sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo, pero lately, mukhang napapadalas ang pagpapahayag niya ng pagmamahal sa GF.
Last May 3, tinawag ni Daniel si Kathryn na “My woman” sa kanyang post. Nag-reply naman si Kathryn at sinabing walang ibang nagmamay-ari sa kanyang puso kundi si Daniel lang. Nag-post pa ito ng “YOURS” para patunayang kay Daniel lang siya.
“My daughter naman” ang ipinost ng ina ni Kathryn na si Min, na sinagot ni Daniel ng “My biyenan.”
Who says that “Absence makes the heart forget?” Ilang weeks lang na naghiwalay ang dalawa pero tila matindi ang pananabik nila sa isa’t isa.
Kapansin-pansin din ang pananabik ni Daniel na makapiling si Kathryn. May ipinost pang photo si Daniel kung saan yakap-yakap niya si Kathryn at may caption na (in Spanish), “Nos vemos in un momento en amor,” na ang ibig sabihin sa Ingles ay “See you in a moment my love.”
Sinagot naman ito ni Kathryn ng “Few more hours!!!!”
Nu’ng April 8, umalis papuntang Hong Kong si Kathryn para sa shooting ng Hello, Love, Goodbye, ang pelikula nila ng Kapuso actor na si Alden Richards.
April 19 nang lumipad si Daniel pa-HK para sorpresahin ang kanyang mahal. On the other hand, sa salubong sa birthday ni Daniel nu’ng April 25, sinorpresa ito ni Kathryn with her presence.
Aside from addressing each other “Bal”, short for “baliw”, may bagong term of endearment ang dalawa.
Ang tawag nila sa isa’t isa ay “Tangi”, meaning iniirog or nililiyag.





Comments