top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bus operator, 5 pa tiklo sa droga

Maeng Santos
May 7, 2019
1 min read

ARESTADO ang anim na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang menor-de-edad at bus operatior na target ng ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City.

Sa ulat, alas-6:45 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCpt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa bus operator na si Jefferson Mota alyas Jeff, 38, ng San Pablo City, Laguna sa 5F Bernardo St., Bgy. Dalandanan, Valenzuela City sa koordinasyon sa Valenzuela City Police.

Nagawang makaiskor ng sachet ng shabu kay Mota ang pulis na umaktong poseur-buyer na si PCpl. Jemuel Loza kapalit ng P2,000 marked money at nang magkaabutan, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka dinamba ang suspek.

Timbog din sa operation sina Edward Obrado, 46; Luis Pimentel, 45; Edgar Cartabio, 52; Daniel Bryan Crisaba, 18, at ang 17-anyos na bus conductor matapos maaktuhan ng mga operatiba sa lugar na umiiskor umano ng droga kay Mota.

Ani PCpl. Donn Herrera, narekober ng mga operatiba ang 10 sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P150,000 street value ang halaga, buy-bust money at gray pouch.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page