Buking daw sa IG Story na mataba… NETIZEN KAY KC: TIGILAN MO NA ANG PAG-E-EDIT SA PIKTYUR MO PARA L
- BULGAR

- May 7, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SUMOSOBRA na talaga kung minsan ang mga bashers sa pamumuna at pambabatikos sa ilang celebrities. Isa sa mga paborito nilang kutyain at pansinin ay ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion.
Nag-post ang aktres ng litrato niya kung saan makikitang umakyat siya ng bundok sa California kasama ang kanyang mga kaibigan. Nilagyan niya ito ng caption na: “Cool breeze, hot sun, lush greens, wild butterflies ... and rattlesnakes?! Anyway, it was a lovely morning hike!!! One of the things to love about California.”
Sa latest post ng aktres, marami ang nakapansin na mas payat siya sa mga litratong ipino-post niya kesa sa mga Instagram Stories niya at ilang videos na ina-upload niya sa kanyang IG account.
Sa mga hindi familiar, ang mga litrato at videos na ipino-post sa IG Stories ay nawawala after 24 hours.
Dahil dito, may netizen ang nagsabi kay KC na tigilan na niya ang pag-e-edit ng mga litrato niya dahil okay naman ang katawan ng aktres.
Sey ng netizen na may account name na @vivi.anne_xo: “Girl, you are fine the way you are. Quit editing your pics to look thinner. You’re never the small in videos, so stop already.”
Hirit pa ng netizen na may account name na @kandebear: “@itskcconcepcion Ang taba mo sa Instagram Stories mo pero sa mga photos na pinagpo-post mo, payat ka.”
Kung may mga bumabatikos kay KC, may mga loyal supporters din naman siyang nagtanggol sa kanya kontra sa mga bashers na pumupuna sa kanya.





Comments