Ano 'to, Marian? JENNYLYN AT DINGDONG, HULING MAGKASAMA

Nitz Miralles / BIDA

SA June na pala magsisimula ang airing ng StarStruck 7 at una nang na-announce na si Dingdong Dantes ang male host ng original artista search ng GMA-7. Lumutang na rin na si Jennylyn Mercado ang female co-host ni Dingdong.
Si Kyline Alcantara ang online host at judges sina Cherie Gil, Heart Evangelista at may isa pang kinakausap. Ang hindi pa lang na-announce ng network ay ang exact date ng pilot ng StarStruck 7. Basta ang sabi, Saturday at Sunday pa rin ang airing ng StarStruck 7.
Kaya pala may sighting kina Dingdong at Jennylyn ilang buwan na ang lumipas at may nakahula agad na para sa StarStruck ang pagkikita ng dalawa. Ibig sabihin nito, kung totoong si Jennylyn na ang leading lady ni Dingdong sa Descendants of the Sun, sa dalawang shows sila magkakasama ni Dingdong.
As for Kyline, magtapos man ang Inagaw na Bituin, tatlo pa rin ang shows niya sa GMA-7 dahil nasa Sunday PinaSaya at Studio 7 din siya.
Maganda ring abangan ang mga judges ng show. Ano’ng klaseng judges kaya sila — mabait, mataray o prangka?
Sa ngayon, sa rom-com series na Love You Two napapanood si Jennylyn na muling ipinakita ang husay kaya tinawag siyang RomCom Queen.





Comments