top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ang iyong pagmamahal Ni Ronalyn Seminiano Reonico

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7, 2019
  • 1 min read

Sinabi kong alam ko,

sa aking munting isip ay ipinako.

Kaya kong mabuhay nang wala ka

akala ang lahat ng bagay ay makakaya.

Ako’y mahalaga para sa iyo,

alam kong ako’y mahal mo.

Ngunit, ang pagmamahal, sa iyo ay ipinagkait.

Sa iyo ay ibinigay salitang kaypait.

Isang tao ang sa aki’y nagwika,

isipan ay binuksan, binigyang liwanag.

Alinman o anumang maling gawa,

iyong sinusuklian ng wagas na pag-ibig.

Sa bawat oras ng aking buhay,

anumang sitwasyon ang dumating,

naririto kang tunay,

pinapawi lahat ng hinaing.

Ngayo’y batid kong ika’y mahal kong tunay.

Ngayo’y kaylinaw sapagkat ika’y gumagabay.

Bulag kong puso’t isipa’y iyong binata.

Ako’y iyong minahal mula pa nu’ng una.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page