Suspek sa pagpatay sa isang campaigh leader, tinodas
- Jeff Tumbado
- May 6, 2019
- 1 min read

DEDO ang suspek sa insidente ng pananaksak at pagpatay sa campaign leader ng mayoralty candidate, makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa San Andres, Quezon.
Kapwa namatay sa San Andres Rural Health Center habang ginagamot ang mga suspek na si Jebby Oro, Sr. at isa pang kasamahan nito na natukoy lamang sa alyas Lando.
Ayon kay Police Major Elizabeth Capistrano, bigla umanong pinaputukan ng mga suspek ang ilang pulis na nagmamantina ng checkpoint sa bahagi ng Bgy. Tala pasado alas-12:00 ng tanghali.
Una umanong pinara sa checkpoint ang magkaangkas sa motorsiklo na sina Oro na siyang nagmamaneho.
Habang papalapit ang mga ito, imbes na huminto ay bigla umano nilang pinagbabaril ang nasa unahang pulis na tinamaan sa kanyang tiyan.
Dito na gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan ang dalawa.
Bago ang engkuwentro, si Oro ang tinutukoy na pangunahing suspek sa pananaksak at pagpatay kay Edgardo Paradero sa Bgy. Talisay nitong nakalipas na May 1.
Si Paradero ay sinasabing campaign leader ng kumakandidatong alkalde sa San Andres.





Comments