top of page

Paalala sa mga Pinoy: Pambabastos at pang-iinsulto ng mga Tsino, huwag hayaan!

  • Ryan B. Sison
  • May 6, 2019
  • 1 min read

MALAKING pang-iinsulto ang ginagawa ng ibang lahi sa tuwing binabastos nila ang mga Pilipino, partikular kapag nandito sila sa sarili nating bansa.

Kasabay nito, ilang kaso na ng pambabastos ng mga Tsino ang ating nasaksihan kung saan ang tanong, bakit ito hinahayaan?

Matatandaang, bagama’t, may babaeng ipina-deport matapos bastusin at tapunan ng taho ang isang pulis na nagbabantay sa MRT-3, pero mayroon din namang mga binibigyan ng ‘special treatment’ imbes na ipagtanggol ang kapwa Pinoy. ‘Yun lang!

Sa ngayon, isa rin sa usap-usapan ang mas maraming oportunidad na trabaho para sa mga Chinese worker kaysa sa mga Pilipino.

Nakalulungkot dahil kahit marami sa atin ang nababastos at naiinsulto nang harap-harapan, nananatili pa rin silang makapang­yarihan sa ating sariling bayan.

Hindi rin nakapagtataka dahil sa totoo lang, obvious na hinahayaan lang din ito ng pa­ma­halaan kung saan parang wala silang gina­gawang paraan para sa kapakanan ng ma­mamayan.

Pero, sana huwag humantong ang pag­sasawalambahalang ito para hindi tayo tulu­yang ma­sakop ng mga ‘yan!

Kaya palagi nating tatandaan na ipagl­a­ban natin ang ating pagiging makabayan at hu­wag tayong papayag na tayo ang nagmumuk­hang dayo sa bansang ating sinilangan!

Patunayan at panindigan nating hindi pro­binsiya ng ibang bansa ang Pilipinas!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page