'Ika nga, it’s the thought that counts... 5 gift ideas para sa nalalapit na Mother’s Day
- Hiraya
- May 6, 2019
- 2 min read

SA nalalapit na Mother’s Day, siguradong may mga anak nang nag-iisip ng puwedeng iregalo sa kanilang mga ina at mayroon ding nag-iisip kung magreregalo ba sila kahit hindi keri ng budget? Kapos man ang budget, don’t worry mga besh dahil narito ang ilang gift ideas na puwedeng-puwede ninyong ibigay kay mamshie na siguradong magugustuhan niya:
1. LETTER. Kung dehins mo pa afford bumili ng regalo o kung hindi ka sigurado sa dapat mong ibigay sa iyong mamshie, try mo ‘to, beshy! Hindi kailangang maging bongga ang regalo kay mamshie, sapat na ‘yung masabi mo kung ano ang mga gusto mong sabihin sa kanya. Kaunting effort lang at siguradong mapangingiti mo na siya. Okie?
2. JOURNAL. Perfect itong listahan ng mga pautang, besh! Joke. Ha-ha-ha! Kidding aside, siguradong magugustuhan ito ni mamshie kung mahilig siyang mag-diary at magsulat ng finances ninyo. Kahit simpleng notebook lang sa bookstore, besh, keri na ‘yun!
3. KITCHEN STUFF. Para sa mga mamshie na mahilig magluto, siguradong mayroon siyang gustong bilhin na gamit sa kusina. Kaya besh, para malaman mo kung ano ito, samahan mo siyang magluto o mag-bake. Sa ganitong paraan, makapagba-bonding kayo, gayundin, malalaman mo kung ano ang gusto o kailangan niya sa kusina. Okie?
4. FLOWERS. Kung dehins mo talaga alam kung ano ang gusto ni mamshie, gora ka na sa flower shop at bilhin ang paborito niyang bulaklak. Dalawa rin ang puwedeng maging purpose nito, puwedeng panregalo o pan-display, ‘di ba? He-he-he!
5. HER FAVORITE BEAUTY PRODUCT. Hindi porke tumatanda na si mamshie, eh, hindi na siya magpapaganda. Siguradong hanggang ngayon ay may gusto siyang make-up o pampaganda, pero dahil priority niya ang kanyang mga anak, isinasantabi na lang muna niya ang mga ito. Kaya, besh, kung afford mong ibigay ang mga bagay na ‘yun sa kanya, go na!
Mga bro at sis, hindi basehan ang regalo para mapatunayan ang pagmamahal ninyo sa inyong mga ina.
Kumbaga, ‘bonus’ lamang ito dahil ang totoong pagpapahalaga sa ating mga ina ay dapat na ipinararamdam sa kanya at hindi binibili.
Mother’s Day man o hindi, mabuting iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal dahil sila ang ilaw ng ating tahanan.
Gets n’yo?





Comments