top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOTSHOTS, BINASAG ANG BEERMEN, 2-1

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2019
  • 1 min read

MULING nakalamang sa best-of-seven ang Magnolia Hotshots matapos nilang pupugin sa Game 3 ang defending champion San Miguel Beer, 86-82 sa PBA Philippine Cup finals kagabi sa Araneta Coliseum.

Buo ang loob na lumaro ang Hotshots sa fourth period upang makuha ang im­portanteng panalo. Nagtala si Mark Barroca ng 22 points upang pangunahan ang opensa ng Magnolia habang nagtala si Ian Sangalang ng 17 puntos at 15 rebounds.

Kumayod din si Magnolia center Rafi Reavis ng 16 markers at 15 boards.

Matamlay na sinimulan ng Pambansang Manok Magnolia ang first canto kung saan ay nalamangan sila ng San Miguel Beer, 21-24. Pero biglang uminit ang opensa ng Hot­shots sa second quarter, kina­hig nila ang 24-12 bentahe upang agawin ang bandera, 45-36 sa halftime.

Sinabayan ng Hotshots ang tikas ng Beermen sa third canto kaya nanatili sila sa unahan, 66-58 papasok ng fourth quarter. Samantala, unang nagwagi sa serye ang Magnolia Hotshots matapos nilang kahigin ang 99-94 panalo sa Game 1 kung saan ay sina Paul Lee, Barroca at center Ian Sangalang ang nagsanib puwersa sa opensa upang silatin ang pinapa­borang Beermen Nagtala noon si Lee ng 18 pts. habang tig-17 ang kinana nina Sanga­lang at Barroca.

Sumagot ang San Miguel Beer sa Game 2, nilagok nila ang 108-101 panalo para ita­bla sa 1-1 ang serye.

Kinapitan ng four-time defending champion San Miguel Beer sina four-time Most Valuable Player, (MVP) June mar Fajardo at point guard Alex Cabagnot.

Nangalabaw si 6-foot-10 Fajardo ng 16 pts. at 14 rebounds habang nagtala si Cabagnot ng 16 markers at anim na assists para sa Beer­men. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page