Hired killer sugatan sa shootout
MAGUINDANAO—Isang hired killer ang sugatan nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Balanaken, Datu Piang sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Onz Meguan, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin ng pulisya si Meguan kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong kaso, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya tinaman ng bala ang suspek na ngayon ay ginagamot na sa ospital.





Comments