GULPENG MALUPIT, INIHILAMOS NI ANCAJAS KAY JAPANESE FUNAI


BAGAMAT ang kaliwa niyang kamao ang siyang pinakamabangis na sandata, idinagdag pa ni Jerwin Ancajas sa kanyang malupit na laban ang opensa upang pahinain si Ryuichi Funai tungo sa 7th round na pagpapasuko sa kasagupa sa kanilang world junior bantamweight title contest kahapon ng umaga sa Stockton, California.
Kinulang si Funai sa pag-ilag ng kanyang ulo at lagi pang nakataas ang kanyang mga kamay sa kaagahan ng laban. Ito ang siyang sinamantala ni Ancajas at inatake niya ang katawan ng Japanese challenger sa unang tatlong rounds.
Pagdating sa 4th stanza, lahat ng mga banat sa ulo ay ginawa ni Ancajas at sumasapol lahat sa ulo ng Hapon ang kanyang mga upak. “Funai was durable, but he was absorbing a steady beating and it was a good thing the ring physician decided to exercise fistic euthanasia,” ayon kay fight analyst Ed Tolentino sa ABS-CBN kasunod ng pagpapahinto ng doktor sa laban at si Ancajas na ang idineklarang nagwagi.
“Ancajas varied his offense this time, occasionally offering a right uppercut, left straight combo.”
Sinabi ni Tolentino na pinalakas na rin ni Ancajas ang kanyang kanang kamao upang gulantangin pa nang husto si Funai. “Yes, he also utilized the right hook. The idea is for his left straight to be given a different introduction. Para medyo mag vary ang offense. Funai did not move his head well, giving Jerwin the opportunity to experiment on his offense,” aniya.
Idinagdag ng analyst na naging napakahusay ng Pinoy sa bilis ng kanyang mga kamao kumpara sa kasagupang Hapon. “Ancajas offered better hand speed and the tendency of Funai to just stand in front of the champ made him a sucker for Ancajas’ right jab-left straight combination,” aniya.
Matapos ang 6 rounds, agad na sumaklolo ang doktor at ipinasiya nang tapusin ang laban. Si Ancajas ngayon ay may ring record na 31 wins, 1 loss at 2 draws. Ang naturang panalo ay ika-21 na sa pro career ni Ancajas. Siya rin ang kasalukuyang longest reigning IBF junior bantamweight champion na may 7 matagumpay na pagdepensa ng titulo. (MC)





Comments