Consultant tinodas

PATAY ang 60-anyos na consultant matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Bgy. Tipacan, Lipa City, Batangas.
Alas-7:15 ng gabi, nakaupo sa tapat ng kanyang bahay ang biktimang si Danilo Balita, may asawa, nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo.
Sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek kung saan agad binaril ng dalawang beses sa dibdib ang biktima bago tumakas.
Dali-dali pa siyang dinala sa ospital ngunit, idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy ang pagtugis sa salarin habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay.





Comments