top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Buyer ng motor todas sa online seller na holdaper

Janice Baricuatro
May 6, 2019
1 min read

ISA ang patay habang dalawa ang sugatan matapos pagbabarilin ng katransaksiyon nilang holdaper na nagpanggap na nagbebenta ng motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Gen. Trias City, Cavite.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Cyber Ville Subdivision, Bgy. San Francisco, ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagpunta ang mga biktimang sina Jerico Oakferina, Arthur Emelo at Amiel Emelo, sa nasabing subdivision dahil doon sila magkikita ng suspek na pagbibilhan nila ng motorsiklo na nakilala nila online.

Gayunman, pagkakita sa suspek ay agad itong nagdeklara ng holdap at binaril sa ulo si Arthur na nakaupo lang sa owner type jeep at binaril din ang dalawang iba pa na bahagya lang nadaplisan kaya nakatakbo at nakatakas sa suspek.

Dead-on-the-spot si Arthur Emelo habang nakatakas naman ang suspek na hinahanting na ngayon ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page