Birthday ng ina | KELOT NAGLARO NG RUSSIAN ROLUETTE, DEDBOL

TODAS ang 28-anyos na lalaki matapos maglaro ng Russian roulette at mabaril ang sentido sa mismong kaarawan ng kanyang ina, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.
Hindi na umabot nang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Aldrin de Vera, Angkas rider, na nakatira sa Tondo, sanhi ng tama ng bala sa sentido.
Batay sa imbestigasyon ni PSgt. John Paulo Rojo, alas-12:30 ng hatinggabi nang bigla na lamang nagulantang ang kainuman ng biktima sa harapan ng kanilang bahay nang pumutok ang pinaglalaruang .38 baril.
Nagdiriwang ng ika-54 kaarawan ang ina ng biktima na si Yolanda nang bigla umanong bumunot ng baril mula sa baywang si De Vera saka umano nag-Russian roulette at nagulantang ang lahat nang pumutok ang baril.
Nabatid sa ilan nitong kaanak na wala naman umanong problema ang biktima.





Comments