Tindahan inararo | 3-ANYOS DEDO SA TRAK

PATAY ang tatlong taong gulang na lalaki habang sugatan ang kanyang ama makaraang araruhin ng trak ang kanilang tindahan sa Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Albert, Jr. 3, habang sugatan ang ama.
Ayon sa imbestigasyon, bandang hapon at nasa puwesto ng kanilang panindang prutas ang mag-ama nang araruhin sila ng trak na ikinasawi ng bata. Nabatid na nawalan ng preno ang trak.
Napuruhan sa ulo ang bata na siyang sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Sumuko naman ang drayber ng trak na si Daniel.





Comments