Tiis-tiis sa water shortage


HINDI pa rin tapos ang water interruption sa Luzon dahil sa patuloy na nararanasang El Niño sa bansa.
Kaugnay nito, marami pa ring residente ang apektado.
Naghahanda na ang pamahalaan sa pagsasagawa ng cloud seeding operation sa susunod na linggo sa ibabaw ng Angat Dam sa Bulacan.
Sa advisory, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na kasado na ang operasyon sa lugar base sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kailangan ang tamang klase ng ulap upang madaling makita sa gagawing operasyon.
Samantala, patuloy pa rin ang pagbaba ng water level sa mga pangunahing dam sa Luzon.
Mula 177.05 meters noong Biyernes, nasa 177.03 meters na lamang kahapon ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Sa Ipo Dam naman, mula 101.98 meters, bumaba ito sa 101.02 meters habang sa Ambuklao Dam ay bumaba mula sa 740.19 meters hanggang 740.13 meters.
Hangga’t hindi naibabalik sa normal ang suplay ng tubig, tiis-tiis muna sa limitadong suplay na ibinibigay ng mga awtoridad.





Comments