top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

So you can enjoy community, so you can discover your purpose, so you can participate in mission etc

Donna Thea Topacio
May 5, 2019
1 min read

ANG bilis ng panahon, ‘di ba? Dahil Linggo na naman, ang tanong, nakapagsimba na ba kayo? Hmmm… for sure, ma­rami sa inyo ang hindi pa. Kaya narito ang mga dahilan kung bakit nating kinakaila­ngang magsimba o pumunta sa Sim­bahan every week:

  1. SO YOU CAN USE YOUR GIFTS. Ang lahat ng tao ay may kani-kanyang talento, kaya kung ikaw ay magaling sumayaw, kumanta, magsalita at tu­mugtog ng instrumento, gamitin mo ‘yan, beshy, sa pamamagitan ng pagse-serve sa Simbahan.

  2. SO YOU CAN ENJOY COMMUNITY. Ang Simbahan ay hindi lang basta bahay-panala­nginan, dito rin natin natu­tuklasan kung sinu-sino ang mga taong kasama na­tin sa komunidad na maaari nating makasama sa mabi­bigat na suliraning ating pag­daraanan.

  3. SO YOU CAN WORSHIP. Sa lahat ng panahon, dapat talaga nating papurihan ang panginoon, pero mas mainam kung sa bahay-panalanginan natin ito gagawin nang sa gayun ay walang ibang distraksiyon.

  4. SO YOU CAN DISCOVER YOUR PURPOSE. May mga taong hindi pa alam ang kanilang purpose sa mundo, ‘yung tipong naliligaw kung saang larangan ba sila dapat nandu’n. Sa pagpunta sa Simbahan, du’n mo ma­lalaman kung para saan ba talaga ang buhay mo.

  5. SO YOU CAN PARTICIPATE IN MISSION. Ang bawat parokya ay may misyon na ginagawa, kaya kung mapapansin ninyo maraming organi­sasyon sa Simbahan. Dahil dito, maaari kayo mag-participate nang sa gayun ay mag-grow ang inyong spirituality.

Kaya sa mga beshy natin diyan na tamad pagdating sa pagsisimba, read n’yo ‘to! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page