Sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day | POPE FRANCIS: “WE NEED A JOURNALISM THAT IS FREE”
- Jersey Sanchez
- May 5, 2019
- 1 min read
KINILALA ni Pope Francis ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga journalist.
Ito ay kasabay ng selebrasyon ng World Press Freedom Day.
Ayon sa Santo Papa, kailangan ng mundo ng malayang pamamahayag na magsusulong ng katotohanan, hustisya at kaayusan.
Sa mensahe ni Pope Francis sa kanyang Twitter account, “we need a journalism that is free, at the service of truth, goodness, and justice; a journalism that helps build a culture of encounter. #DefendMediaFreedom”.
Ang World Press Freedom Day ay ginugunita tuwing May 3 upang ipaalala sa gobyerno sa iba’t ibang bansa ang kahalagahan ng malayang pamamahayag at pagrespeto sa freedom of expression na nakapaloob sa Article 19 ng 1948 Universal Declaration of Human Rights.





Comments