Pusher patay sa shootout
Pabs Hernandez III
May 5, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Prinza, Calamba City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Eduardo Dumasing, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Dumasing, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments