PALARO: CENTRAL VISAYAS SA ARCHERY; NORTHERN MINDANAO SA BOXING
- BULGAR

- May 5, 2019
- 1 min read

VIRTUAL overall leader na ang National Capital Region habang ang Central Visayas ay nagpapakitang-gilas sa pagsabak sa archery secondary girls kung saan naka-8 medalya na at ang Northern Mindanao ay sumiklab sa penultimate day ng Palarong Pambansa sa Davao City.
Nakakolekta ang 16-anyos na si Crisha Merto ng 5 gold medals matapos umangat sa 30, 50 at 60-meters events, maging sa single FITA at team Olympic rounds. “Hindi ko po in-expect ’yung 5 golds. Nag-practice lang ako pero hindi gaanong intense kasi asthmatic ako. ’Yung training ko kulang talaga baka naawa lang ’yung Diyos sa akin,” ayon ka Merto ng Dumaguete sa ABS-CBN News.
Malupit din ang ipinamalas ni Jason Feliciano ng Dagupan nang makapagbulsa ng 4 golds at 2 silver medals sa secondary boys. Namayani siya sa 30, 60 at 70 meters event at sa single FITA. “Very exciting and fun. Hindi ko in-expect [to win a lot]. Ang goal ko lang is to beat my personal records,” ayon sa Palaro first-timer.
Nagparamdam din ang Northern Mindanao sa secondary boxing competitions matapos makasuntok ng 4 sa nakatayang 10 gold medals. Gold din si Aaron Jude Bado sa boys light flyweight division via unanimous decision. Kampeon din sina Sunrise Seronay at Mark Lester Durens sa school boys light bantamweight at youth boys light flyweight. (MC/ATD)





Comments