Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 5.5 na lindol

NIYANIG ng Magnitude 5.5 na lindol ang ilang lugar sa Occidental Mindoro at Luzon, kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-9:05 ng umaga nang maitala ang lindol sa layong 20 kilometro sa Rizal, Occidental Mindoro.
May lalim na anim na kilometro ang pagyanig na tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity III sa Lipa City, Batangas at sa Malay, Aklan habang Intensity II sa San Nicolas, Batangas at sa Lungsod ng Maynila.
Naitala naman ang instrumental intensities na Intensity IV sa San Jose, Occidental Mindoro; Intensity III sa Calapan City, Oriental Mindoro; Intensity II sa Tagaytay City; Malinao, Aklan; Sebaste at Culasi, Antique; Calatagan, Batangas at Intensity I sa Talisay, Batangas; Dolores at Mauban, Quezon.
Walang inaasahang malaking pinsala ng lindol ngunit, maaaring makapagtala ng aftershocks.
Paglilinaw ng Phivolcs, walang kinalaman ang lindol sa Occidental Mindoro sa mga naunang pagyanig sa Luzon.





Comments