Negosyante binoga ng riding-in-tandem
Pabs Hernandez III
May 5, 2019
1 min read
COTABATO CITY—Isang negosyante ang sugatan nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion 5, sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si Bjorn “Bon-Bon” Herrera, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakasakay sa kanyang SUV si Herrera nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.





Comments