top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lalo na kung natural ingredients ang gagamitin... 5 REASONS KUNG BAKIT NAKAKA-PAYAT ANG PAG-INOM NG

Donna Thea Topacio
May 5, 2019
1 min read

No Problem

SAKTO sa mainit na panahon ang pag-inom ng fruit shake, ‘yung tipong natural ang ingredients at fresh na fresh ang prutas, yum! Kaya halina’t alamin natin kung bakit nakakapayat ang pagkonsumo nito:

1. NO PRESERVATIVES. Speaking of natural, purong prutas lang ang inilalagay kung saan ang katas nito ang unang-una nating malalasahan, hindi tulad ng mga powder shake na mabibili sa tindahan. Dahil dito, hindi masyadong madaragdagan ang inyong timbang.

2. NUTRIENTS. Ang paggawa ng fruit shake na puro ay mas mataas ang nutrients kung saan marami itong benepisyo sa kalusugan at isa na rito ang nakapagpapayat ito.

3. NO NEED TO ADD SUGAR. Ang prutas ay may natural na tamis, kaya kung nakabili kayo ng hinog o matamis, for sure, dehins na ninyo ito lalagyan ng asukal na nakatataba.

4. CAN MAKE YOU FULL. Ang pag-inom ng fruit shake ay nakabubusog, kaya sa oras na uminom kayo nito, may tsansa na hindi na kayo kumain ng kung anu-ano pa.

5. ADVISABLE BY DOCTORS. Karamihan sa mga doktor ay ito ang inirerekomenda sa mga pasyente nila na nahihirapang ngumuya o tunawin ang pagkain kung saan sa pamamagitan nito manunumbalik ang kanilang sigla, gayundin na magiging maganda pa ang kanilang timbang dahil healthy ito.

Oh, ayan, inum-inom na lang ng shake para sa mga nagda-diet diyan. Make sure lang na yelo lang ang ilalagay ninyo at hindi asukal.

Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page