Koreano inatake sa casino, dedbol

PATAY ang 58-anyos na Korean national matapos atakehin sa loob ng casino kamakalawa ng hapon sa Malate, Manila.
Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Manila Doctor’s Hospital si Cho In Gi, hindi pa batid kung saan nanunuluyan.
Sa imbestigasyon ni PMSg. Jonathan Bautista, ala-1:09 ng hapon nang tumawag ang naturang pagamutan sa MPD-Headquarters upang ipaalam ang pagkamatay ng biktima.
Batay sa impormasyon, habang nasa ikatlong palapag ng PAGCOR casino sa Malate ang nasabing dayuhan na nagsusugal ng bacaratt nang biglang mag-collapsed kaya agad itong bingyan ng first aid ng house duty nurse na sina Michael Pring at Jomelyn Severa.
Nang makitang hindi na gumagalaw ang Koreano, saka nila ito dinala sa pagamutan pero, alas-2:15 ng hapon nang ideklara itong patay ni Dr. Ronaldo Joseph Abueg.
Wala naman umanong makitang senyales na ito’y sinaktan kaya hinalang inatake ito sa puso.





Comments