Kaya raw nagpa-blonde ng hair, Luis… HIRIT NG NETIZENS: JESSY, TODO-PAPANSIN PARA BIGYAN NG SHOW NG
- BULGAR

- May 5, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

MAY picture si Jessy Mendiola na nakasuot ng gown na ang kulay ay aqua. Sa kanyang pose ay ginagaya niya si Queen Elsa sa pelikulang Frozen.
Ang ganda ni Jessy sa naturang larawan na binagayan pa ng kanyang blonde hair. Ang inilagay na caption ng Kapamilya actress sa picture: “The cold never bothered me anyway. Thank you @sheiralyn for making me feel like a princess for tonight’s event.”
Pero, ang mga netizens ay mas na-impress na siya ay mas kamukha ng aktres sa TV series na Game of Thrones na si Daenerys Targaryen.
Flattered naman si Jessy sa tinuran ng netizen. Pero may mga netizens na nagsasabing gumagawa lang daw ng eksena si Jessy para mapansin ng Kapamilya Network at mabigyan ng proyekto.
Wala kasing projects ngayon ang girlfriend ni Luis Manzano kaya gumagawa ng sarili niyang ingay. Isa na nga raw ay ‘yung nagpa-blonde ng hair para may mapag-usapan sa kanya.





Comments