top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kapistahan ng tatlong santo na lumalarawan sa kalagayan ng nakararaming Pilipino, bigyang-pansin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2019
  • 2 min read

MATATAPOS ngayong linggo ang Paseo de San Isidro sa parokya ng San Isidro Labrador sa Bgy. Pinyahan, Quezon City. Sinimulan ang Paseo ng mga naunang kura-paroko sa naturang parokya. Ang Paseo ay ang pagdalaw ng imahen ni San Isidro Labrador sa iba’t ibang pama­yanan ng parokya. Ito ay paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng santo ngayong ika-15 ng Mayo.

Napakahalaga ni San Isidro bilang patron ng mga magsasaka at manggagawa. Nag­kataong ngayong ika-13 ng Mayo, dalawang araw bago ang pista ni San Isidro ay ang pista ng Mahal na Ina ng Fatima na araw din ng halalan.

Kapistahan ng tat­long Santo (San Jose Manggagawa, San Isi­dro Labrador at Mahal na Ina ng Fatima) ang sumasakop sa halalan.

Bigyang-pansin natin ang tatlong santo, malinaw na inilalarawan ng mga ito ang kala­gayan ng nakararaming Pilipino. Magsasaka, manggagawa at kasapi ng mga maralitang tagalungsod ang sina­salamin nina San Jose Manggagawa, San Isidro Labrador at Mahal na Ina ng Fatima.

Hirap ang buhay ng marami sa ating bansa, ang mga magsasaka at manggagawa at ang mga maralitang tagalungsod. Naghahanap sila ng masasandigan at ma­pagkukunan ng lakas.

Sa siyam na araw na Paseo ni San Isidro, tinuklas natin ang natatanging biyaya na taglay ng santo. San Isidro, mayaman ang kahulugan at hamon ng bawat titik. S para sa santo. Banal na larawan ng Diyos si San Isidro sapagkat puspos Siya ng pagmamahal. A para sa asawa’t amang tapat. N para sa nangangalaga sa mga nangangailangan. I para sa Inang Kalikasan na ating kinakalinga. S para sa simple. I para sa inuuna ang Diyos. D para sa dumadalangin. R para sa respeto, res­ponsable at relihiyoso. O para sa obrero, pagmamahal at pinag-iigihan ang paggawa.

Sa lahat ng katangian ng Santo, napakahalaga ng pang-anim, “inuuna ang Diyos". Napakaha­lagang gawin ang makapagbibigay-puri at katuparan sa kalooban ng Diyos.

Napakahalagang unawain at gamitin ang prinsipyong ito nga­yong eleksiyon.

Maaari bang tanu­ngin natin ang Diyos, kung sino sa mga kan­didato ang malapit sa Kanyang puso at bakit? Kasabay nito, kailangan nating saliksikin nang husto ang pagkatao, track record bilang propesyunal at sim­pleng mamamayan ng bawat kandidato.

Sa gitna ng kahirapan at napakalakas na hatak ng politika, napaka­daling magpabulag at magpabili ng ilang mga botante sa mga kan­di­datong malaking magbi­gay ng “suhol” at maga­ling mangako ng kasi­nu­nga­lingan. Nakadi­dis­maya na tila napa­ka­daling unahin ng “pa­nandaliang ginhawa” na alok ng mga maperang kandidato kaysa sa Diyos.

Ito ang hamon ngayong eleksiyon, kailangang labanan ng bawat isa ang pag-agaw sa banal at mahalagang lugar ng Diyos sa buhay natin.

Huwag nating kali­mu­tan ang sinabi ni Yahweh kay Moises sa Sampung Utos, tandaan ninyong higit sa lahat, sambahin ninyo ang inyong Panginoong Diyos at wala nang iba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page